A Pabula about Kids with Special Needs
Last week, Ren’s Filipino teacher gave them a project wherein they were asked to tell a pabula in front of the Kinder 2 students. Pabula or Fables are short stories which illustrate a particular moral and teach a lesson to children and kids. The characters of fables and tales are usually animals who act and talk just like people whilst retaining their animal traits.
The first thing that came to my mind upon knowing this project is what will Ren’s costume will be. Then I remembered his costume at the last Nickelodeon’s Halloween Party. It looks like a spider then (with only 4 arms).
I searched for a story with the spider as the main character and I only found “malilit na gagamba” (itsy bitsy spider) and Si Pedrong Gagamba, Pito Ang Paa. I’m so glad I found the latter. Unfortunately, we only have 3 days left to practice the pabula and the story of Si Pedrong Gagamba, Pito Ang Paa is not published online for free. I need to order the book if I want to know the story.
My solution was to get the idea (which tackles about kids with special needs) and create my own story. I asked the teacher if creating an original story is okay and I am glad she approved.
So, without further ado here is the story that I made for Ren’s project in Filipino
Si Natong Gagamba, Na May Anim Na Paa
Lahat ng gagamba ay may walong paa, pero si Nato ay kakaiba. Ipinanganak siya na may anim lamang na paa.
Kung titignan siya ibang-iba ang itsura nya sa karaniwang gagamba. Pero, ang pagiging iba niya ay hindi naging hadlang para hindi niya magawa ang kayang gawin ng mga gagambang may walo ang paa.
Nagagawa niyang maghibla ng sariling bahay kahit anim lang ang paa nya.
Isang araw, habang namamasyal at naghahanap ng makakain sa kagubatan, nakita si Nato ng ibang gagamba na may walong paa. Tinukso siya ng mga ito.
“Hoy Nato!, umalis ka dito, naiiba ka sa amin… tignan mo kami walo ang paa namin, ikaw anim lang… Kakaiba ka, ALIS!!!
Sumagot si Nato “wala namang masama kung ganito ako, pare-pareho pa rin naman tayong gagamba. Nagagawa ko din naman ang iba ninyong ginagawa kahit nahihirapan ako.”
Habang inaasar siya ng ibang gagamba, biglang dumating ang malakas na hangin. Lahat ng gagamba pati si Nato ay humawak ng mahigpit sa kani-kanilang sapot. Pero sa lakas ng hangin naputulan ng paa ang ibang gagamba. May nawalan ng isa, dalawa at tatlong paa.
Pagkalipas ng malakas na hangin, nagsi-iyakan ang mga gagambang dating may walong paa, kasi ngayon kapareho na sila ni Nato. May lima, anim at pitong paa na lang sila. Naiiba na din sila sa karaniwang gagamba.
Pinakalma sila ni Nato, sabi nya “huwag kayong malungkot, iba-iba man tayo ng itsura, sigurado ako na gagamba pa din tayo at makakayanan pa din nating gumawa ng sapot.”
Mula noon, hindi na naging tuksuhan ang pagiging kakaiba. Naintindihan na ng lahat na dapat tanggapin ang pagiging kakaiba at tulungan ang isa’t-isa na magampanan ang mga dapat gawin.
The Lesson: Don’t judge other people easily and do not make fun of people with special needs.
Leave a Reply