Kilalanin natin si Levy!
I never had a Tagalog post here ever since it started 3 years ago. I have a lot of foreign readers and I know they will not understand any word that I say if I post Tagalog here. Well, since my birthday is coming soon, I decided to make something different here and that is to post some questions that I will answer in Tagalog.
- Who is Levy as a person?
Si Levy ay masayahin na tao pero masungit din. Feeling ko may attention disorder ako, kasi pag di ako interesado or maka relate sa sinasabi ng kausap ko di ako nakikinig at kung saan saan lumilipad and isip ko. (parang nag lelevitate… hmmm alam ko na san ko nakuha yung levyousa)
- What is the best part of your day?
Pag gising ko ng umaga at pinanonood anak at asawa ko habang nahilik sila pareho. Pag dinner din kasi sabay sabay kami nakain pagkatapos manonuod kami ng movie together.
- What word/words best describes you as a mom?
Tingin ko ako ay passionate. Lagi ko kini kiss si Ren kahit ayaw na nya… mula ulo hanggang paa kahit 4 years old na sya. Di din mawawala ng pagsabi ko ng ‘I love you’ araw araw. Ako din ay flexible at multi tasker. Tinuturuan ko si Ren na pwede gamitin ang paa pag may pupulutin hahaha.
(para bang unggoy)
- What is your parenting styles?
Di ako mahigpit, sabi nga ng mister ko masyado daw ako kampante mag-alaga sa anak ko. Meaning I let my son do what he wants to do as long as I think he is doing something that wouldn’t hurt him or anybody. I let him play in groups and just look from a far. I want him to learn that he can do anything he wants but still he must know that he has a limitation. I don’t want him to get hurt but I want him to experience pain since that is when he will know how to stand and learn from the mistakes he had done. I want him to learn that family always comes first so I always bring and introduced him to all his relatives here and in the province. (di ko mapigilan mag English)
- What’s your dream for your child?
Madami akong dreams for Ren bago pa sya lumabas sa mundo, na sana maging piloto, doctor or captain sya ng barko. Pero lahat ng yun magbabago after ma realize ko na di lahat ng bata pare pareho. Na di mo pwede ipilit ang gusto mo, dahil may sarili syang pagkatao at tanging Diyos lang makakapag sabi kung ano sya pagtanda. Sa ngayon ang pangarap ko lang sa kanya ay maging mabuti syang tao, may takot sa Dyos at sa’min ng daddy nya at sana matuto syang makisalamuha sa lahat ng klase ng tao (mayaman man o mahirap) tulad ng mommy nya hehehe. Challenge kasi kay Ren ang socialization kaya sana ma overcome nya yun habang tumatanda sya.
- What’s the more surprising thing about parenthood?
Na di pala madali at puro sarap ang pagiging magulang. Kailangan mong isang tabi minsan sarili mo at gusto mo para sa anak mo. Na may mga bagay ka na dapat isakripisyo para sa pamilya mo tulad ng pag-alis ko ng work para sa kanila pero lahat ng yun ay worth it at di ko naman pinagsisihan.
- What’s the best lesson you’ve learned from your son?
Yung pagiging masunurin. Lagi kasi ako nasasabihan ng mister ko na stubborn daw ako. Si Ren kasi kahit minsan ayaw nyang gawin pag sinabi ko or kahit sinong nakakatanda sa kanya sinusunod nya pa rin, ako naman nagagalit at naiirita pag kinu correct.
Isa pa, yung pagiging malambing at walang grudge. Kasi pag napagalitan ko sya he will say sorry sabay kiss. Tatandaan nya yung mali nya at di na gagawin pero di sya nagtatanim ng sama ng loob. He is too young pa naman kasi pero hopefully makalakihan nya ang ganong ugali.
Ang isa pa sa mga tinuro din sa’kin ni Ren na talagang nakaka challenge ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya. Noong una ang dali kong magalit sa kanya pag di tama mga sagot nya sa assignment at minsan umiiyak pa ko kasi sobrang nang gigigil na ko. Which is sobrang mali kasi hindi matututo ang bata ng isa o dalawang beses lang, kailangan mong ituro ang isang bagay ng paulit ulit para matandaan nya.
Isa pa, yung pagiging malambing at walang grudge. Kasi pag napagalitan ko sya he will say sorry sabay kiss. Tatandaan nya yung mali nya at di na gagawin pero di sya nagtatanim ng sama ng loob. He is too young pa naman kasi pero hopefully makalakihan nya ang ganong ugali.
Ang isa pa sa mga tinuro din sa’kin ni Ren na talagang nakaka challenge ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya. Noong una ang dali kong magalit sa kanya pag di tama mga sagot nya sa assignment at minsan umiiyak pa ko kasi sobrang nang gigigil na ko. Which is sobrang mali kasi hindi matututo ang bata ng isa o dalawang beses lang, kailangan mong ituro ang isang bagay ng paulit ulit para matandaan nya.
After answering these questions, it feels that I know myself more now. I think I’ll do this again, but I don’t have any more questions in my mind.
Do you have some questions for me? Leave it in the comment section below and let’s see if I can answer it next time.
Levy says
thank you mommy Chris! dahil nga sa post na to mas nakilala ko din sarili ko… 🙂
Chris says
very interesting ang post mo Levy! it is great to know more about you 🙂